Lunes, Hulyo 15, 2013

Di siguro

Walang tinapos,walang future.Madalas na natin naririnig ito lalo na sa mga magulang.Kung totoo 'to bakit nagkaroon ng Steve Jobs at Bill gates? Di sila nagtapos ng college.Himala lang ba ang lahat?Noong unang panahon walang college.Si Jesus Christ hindi nagcollege at di ko na siguro dapat pang sabihin kung paano nya inimpluwensyahan ang mundo? Common sense,yan ang wala sa maraming tao.Gagastos ka ng daang libo o milyon,depende kung gaano kasikat ang school.Kung minsan magbebenta pa ng laman ang iba para pang-tuition.Pagkatapos lang din ng kolehiyo ay tambay for a year or two.Pagka nagkatrabaho,ang sinusuweldo ay di man lang sapat para mabawi ang ginastos sa college.Naisahan ka ng mga nagpapaloan.Student loan.Di sila magpapautang ng walang interest.Di ko na dapat pang ipaliwanag na negosyo ang lahat.Ang edukasyon ay business.Pinaniwala ka nilang pag nagtapos ka sa school nila ay gaganda ang buhay mo,pero nasan ka ngayon?Tambay.Sa kabilang banda,nakakatuwang malaman  na may mga taong dating nagtitinda ng isda,gulay,at kung anu-ano pa ang ngayo'y mayayaman na.May mga natutunan sila sa buhay na kung nagcollege sila ay malamang di nila natutunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento